VALENTINE’S DAY PROMO: STILL SWEET AT 30
Kung ipinagdiwang namin nitong Enero ang aming 30th year sa radyo, aba’y kayo namang mga mag-sweetheart for 30 years ang ipagdiriwang namin ngayong Pebrero!
Handog ng Sweet 97.7 FM Santiago City ngayong Buwan ng mga Puso, ang isang Valentine’s Day Special na magpapakilig at magbibigay-inspirasyon sa mga tagapakinig— hopeless romantics, in a relationship, lalo na siyempre sa mga happily married.
STILL SWEET AT 30!
Kung ikaw ay may kakilala, kamag-anak o kapamilyang 30 years nang kasal at happy pa rin sa piling ng isa’t isa, magpadala na ng inyong entry.
Isulat lang ang kanilang nakakakilig na love story in not more than 700 words, printed in an A4-sized or short bond paper, kalakip ang photocopy ng kanilang PSA Certificate of Marriage, current home address, CP number, at latest picture nilang mag-asawa.
Ang love story ay maaaring “first-person point of view” meaning, si mister o si misis mismo ang sumulat o pupwede ring “third-person point of view” which means isang taong kakilala o malapit sa mag-asawa ang sumulat.
Sa bawat programa, isang entry ang live na babasahin ng DJ-on-board kaya tumutok lang mula sign-on hanggang sign-off.
Take note, siguraduhin lamang na magkasama pa rin sa iisang bubong ang ating couple at present sila pareho sa aming studio sa oras na sila ay tanghaling panalo.
30 years and no retreat? You deserve a sweet treat… STILL SWEET AT 30!
Fabulous prizes await the winners!